Flag Counter

free counters

Cebuano Post

Sunday, October 16, 2011

Oil firms, pumayag nang buksan ang mga libro


Inanyayahan ngayon ni Energy Sec. Jose Rene Almendras ang media at economic experts para sa gagawing analysis sa libro ng mga kompaniya ng langis.
Ito ay matapos umanong pumayag na ang oil firms na sumailalim sa ganitong proseso, matapos ang mga panawagan ng maraming grupo, tanggapan at indibidwal para sa pagbubukas ng kanilang records.
Ayon kay Almendras, layunin ng kanilang paanyaya na magkaroon ng transparency at matiyak na mababantayan ang kapakanan ng taongbayan.
Pasaring kasi ng ilang kritiko, mas kinakampihan pa ng DoE ang oil companies sa tuwing magpapatupad ng oil price hike.
Dismayado rin ang mga motorista sa napakabilis na pagtaas ng halaga ng langis kapag may pag-angat sa international market, habang ubod naman ng bagal ang pagbaba sa lokal na merkado kahit sumasadsad na ang halaga nito sa world market.
Inaasahan naman ni Almendras na sa pamamagitan ng ganitong paraan ay mapapawi na ang mga agam-agam ukol sa presyuhan ng mga produktong petrolyo sa ating bansa.

http://www.bomboradyo.com/story-of-the-day/81322-oil-firms-pumayag-nang-buksan-ang-mga-libro
from: 

0 comments:

Post a Comment

Avida Towers Cebu (Affordable Living at its Best)

Cebu's Historical Landmarks Video

Pasigarbo Sa Sugbo Video